Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at
agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may
sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong kakikilanlan ng isang
kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang
nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito - ng
kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung magagamit
ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pangkultura.
Ang ningning ng
sariling wika at lalim ng sariling kultura ay nakikita sa salamin ng ibang
wika at kultura. Mas marami ang pinaghahanguan, mas tumitingkad ang sariling
kabuuang kultural.Ang ibig sabihin dito'y huwag magsalin, halimbawa, ng mga likhang
Aleman, Pranses, o Ruso mula sa pagkakasalin ng mga ito sa Ingles. Ang magiging
resulta nito'y ang pag-aangkinlamang ng mga pananaw ng pagkawika-at-kulturang
"Ingles." Sa ganito'y mawawala sa kapilipinuhan ang
kadalisayan ng iba't ibang anyong kultural na nagmumula sa pagkasari-sari
ng mga kabuuang kultural sa mundong ibabaw. Dapat ituring ang lahat ng
kultura (at hindi iisa o dadalawa lamang) ng buong daigdig na tibagan ng
mga kultural na sangkap na magagamit sa sariling pagkakultura. Ang pagpapahalagang
ito sa iba't ibang kultura sa pamamagitan ng mapanlikhang pag-aangkin ng mga
sangkap na makabubuti sa sarili ay siyang katangian ng isang kulturang may
kasarinlan. Ang lahat ay nagpapahiwatig ng makataong pagka-kaugnay-ugnay
ng mga kultura, sa kabila ng kakanyahan ng bawat isa.
![]() |
Ang nabubuong kaisahang
kultural sa Pilipino ay lalong lalago dahil sa mapanlikhang pagkakaugnay
nito sa kanyang iba't ibang elementong etniko: (1) ang buong pangkasaysayang
karanasan sa Pilipino, ang pangkalahatang pamana ng magkakamag-anak na grupong
etnikong Pilipino sa lipunang kanilang nabuo; (2) ang kakanyahang etniko ng
bawat isa, na nagpapayaman sa kabuuang kultural; at (3) ang karanasang
partikular ng bawat ethnos sa kasaysayan ng Pilipinas.
Mapalalago ang
unang elemento sa inter-aksyon ng isa't isa sa loob ng lipunang ang
nagiging tagapamagitan at tagasaklaw na wika ay Pilipino. Ang pakikiugali at
pakikisalamuha ng isa't isa sa wikang Pilipino ay nagpapalawak sa
pambansang kulturang ipinahihiwatig ng wikang ito. Payayabungin naman ng
ikalawa at ikatlong elemento ang hinahangad na kabuuang kultural sa
pamamagitan ng mga salin sa Pilipino mula sa mga wikang katutubo sa Pilipinas,
kasama na ang mga diyalekto ng Tagalog na napapalayo na sa Pilipinong
dati-rati'y batay dito. Lalong mapapadali ang kanilang sariling wika o
katutubong diyalekto.
Ang mga salin ay
magiging parang katas na umaakyat mula sa mga ugat ng kapili-pinuhan tungo
sa ninanasang kabuuang kultural, sa bago at mas malawak na pagkakulturang
ipinapahiwatig ng wikang Pilipino. Hanggat maaari, ipagpaliban na muna ang
pagsasalin sa Ingles o sinumang magnanais umangkin ng ilang elemento ng
ating pagka-Pilipino. Hindi natin sila dapat tulungan dito, yamang malaki
ang kanilang naitutustos sa pagpapayaman ng kanilang sariling kultura. Ang
kailangang alagaan ay ang sariling atin , ang pagbuo ng ating kultura.
kabuohan
Ang halimbawa ng Pilipinas ay may
kaibhan. Una, ang lipunang Pilipino ay nasa yugto ng isang matatawag na
"pamayanang pambansa" na tumutungo sa isang bagong kabuuang
kultural na hinuhubog ng isang estado: ang bansa. Ikalawa, ang minimithing
pambansang kultura ay mabubuo lamang kung ang Pilipino bilang tagasaklaw
na wika ay magwawagi sa Ingles, isang wikang naging importante bunga ng
kolonyal na nakaraan. Ikatlo, ang kakanyahang kultural ng Pilipinas ay
nasasalalay sa kanyang pagiging isang bansa.
|
|
May pagkakahawig sa ibang halimbawa
ang Pilipinas. Isa na rito ang kahalagahan ng estado , bagamat
ito'y naitayo ng lipunang Pilipino upang makamtan ang antas ng
pagkabansa , samantalang mayroon nang bansang Aleman bago nagkaroon ng
estado. Ang ikalawang pagkakatulad ay sa Pransiya at Alemanya, na kapwa
may maliliit na bahaging etnikong magkakamag-anak sa ubod mismo ng bawat
kultura. Ang ikatlo ay sa mga kaisahang pulitikal sa Ikatlong Daigdig,
na halos lahat ay nakadarama ng isang pangangailangang makabuo ng isang
pambansang kultura.
|
Anuman ang pagkakaiba o
pagkakatulad ng Pilipinas sa ibang kabuuang pulitikal, siya'y resulta ng
isang natatanging pangkasay-sayang pagsulong . May maituturing siyang
"sariling kultura," subalit ito'y nabubuo pa lamang sa loob ng
isang lipunang lumitaw mula sa mga magkakamag-anak na grupong etniko bunga ng
kanilang karanasan sa loob ng Imperyong Kastila. Ang Pilipino bilang
tagapamagitan at tagasaklaw na wika ang pinakamahalagang elemento sa
pagkabuong ito ng kulturang Pilipino.
|
Sa Pilipinas, gaya sa iba pang
lugar, mahigpit ang pagkakaugnay ng wika at kultura . Anumang
pagpapabaya sa Pilipino ay tiyak na magkakaepekto sa pagtatayo ng isang
bansang Pilipino , tungkuling iniatas ng lipunan sa estado sapul pa
noong itatag ang Republika ng Malolos . Gayunman, ang kasalukuyang
problema ay hindi ang kung mabubuo o hindi ang kulturang Pilipino kundi
kung kailan at sa anong ritmo at lawak. Ang buong pagpupunyagi ng lipunang
Pilipino ay dapat ibuhos dito at ibinu-buhos nga.
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento