Paggawa ng dekorasyong papel na hugis puso
Aireen Cabelosa
Charlyn
Kate Angwas
hakbang sa paggawa ng scrapbook gamit ang photo album
Jay
Neil Gavino
Rofeline
L Espiritu
Alexander
Norwin Dar
Rendon
Lumod
![]() |
Ang halimbawa ng Pilipinas ay may
kaibhan. Una, ang lipunang Pilipino ay nasa yugto ng isang matatawag na
"pamayanang pambansa" na tumutungo sa isang bagong kabuuang
kultural na hinuhubog ng isang estado: ang bansa. Ikalawa, ang minimithing
pambansang kultura ay mabubuo lamang kung ang Pilipino bilang tagasaklaw
na wika ay magwawagi sa Ingles, isang wikang naging importante bunga ng
kolonyal na nakaraan. Ikatlo, ang kakanyahang kultural ng Pilipinas ay
nasasalalay sa kanyang pagiging isang bansa.
|
|
May pagkakahawig sa ibang halimbawa
ang Pilipinas. Isa na rito ang kahalagahan ng estado , bagamat
ito'y naitayo ng lipunang Pilipino upang makamtan ang antas ng
pagkabansa , samantalang mayroon nang bansang Aleman bago nagkaroon ng
estado. Ang ikalawang pagkakatulad ay sa Pransiya at Alemanya, na kapwa
may maliliit na bahaging etnikong magkakamag-anak sa ubod mismo ng bawat
kultura. Ang ikatlo ay sa mga kaisahang pulitikal sa Ikatlong Daigdig,
na halos lahat ay nakadarama ng isang pangangailangang makabuo ng isang
pambansang kultura.
|
Anuman ang pagkakaiba o
pagkakatulad ng Pilipinas sa ibang kabuuang pulitikal, siya'y resulta ng
isang natatanging pangkasay-sayang pagsulong . May maituturing siyang
"sariling kultura," subalit ito'y nabubuo pa lamang sa loob ng
isang lipunang lumitaw mula sa mga magkakamag-anak na grupong etniko bunga ng
kanilang karanasan sa loob ng Imperyong Kastila. Ang Pilipino bilang
tagapamagitan at tagasaklaw na wika ang pinakamahalagang elemento sa
pagkabuong ito ng kulturang Pilipino.
|
Sa Pilipinas, gaya sa iba pang
lugar, mahigpit ang pagkakaugnay ng wika at kultura . Anumang
pagpapabaya sa Pilipino ay tiyak na magkakaepekto sa pagtatayo ng isang
bansang Pilipino , tungkuling iniatas ng lipunan sa estado sapul pa
noong itatag ang Republika ng Malolos . Gayunman, ang kasalukuyang
problema ay hindi ang kung mabubuo o hindi ang kulturang Pilipino kundi
kung kailan at sa anong ritmo at lawak. Ang buong pagpupunyagi ng lipunang
Pilipino ay dapat ibuhos dito at ibinu-buhos nga.
|