Miyerkules, Oktubre 19, 2016
Lunes, Oktubre 3, 2016
Wika ng Filipino
Ang wika ng Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Ito'y tulad ng punyal na ubod ng talim
Punyal na kumikinang sa gabing madilim
Ang puluhan nito ay utak na magaling
At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa
Na ang gamit ay kaydaming mga dila
Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda
Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino
Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo
Ang kapara nito’y matigas na bato
Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat
Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag
Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas
Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito
Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo
At dahil tayo ay kapwa Pilipino
Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas
Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas
Gamitin natin at gawing lakas
At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan
Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw
Medaling mananggol kung may lakas na taglay.
Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas
Ang dating ilaw ngunit bago nang landas
Maaaring paabante, maaaring paatras
Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wika ng Filipino’y magsisilbing gabay
Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay.
Sa tuwid na landas ay walang mawawalay
Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay

WIKANG FILIPINO:
KAHAPON, NGAYON, at BUKAS
na isinulat ni Bb.
Glorivel H. Glomar
Ang sanaysay na ito ay
tungkol sa ating Lingua Franca, sa salitang Italyano. Mother Language sa
salitang Ingles at Wikang Pambansa sa salitang Filipino na kung ano ito noon,
sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Maitatanong natin sa
ating sarili kung ano ba ang Wikang Pambansa, kung bakit tayo nagkaroon nito,
paano at saan nagmula. Ikaw na isang Pilipino, alam mo ba?
Ayon sa sanaysay,
"Maraming pagkakataon na hindi sapat ang simbolo, galaw, kumpas at iba pa
upang maipahayag ang tunay na kahulugan ng isang bagay". Sang-ayon ako
rito, maaari man natin ipakita ang ating kilos at galaw na nagpapakita sa ating
nasyonalismo o patriotism sa ating bansang Pilipinas pero hindi pa rin ito
sapat "sa pagkakataong ito, dito pumapasok ang kahalagahan ng wika, ang
pangunahing midyum upang maipahayag natin ang ating saloobin at opinyon ayon sa
nilalaman ng ating isip at damdamin sa ating kapwa" sa pamamagitan ng wika
nakakabuo tayo ng komunikasyon sa ating kapwa Pilipino, at higit pa dito nagkakaintindihan
tayong lahat dahil sa Wikang Filipino. Kahit sa dami ng ating dayalekto
namumukod tangi pa rin ang Wikang Filipino.
May iba't iba man tayong
wikang kinagisnan, kultura, paniniwala batay sa ating lahing kinabibilangan,
meron naman tayong Wikang Pambansa na nagbubuklod sa atin upang magkaisa at
magkaintindihan.
Bilang isang Pilipino,
paano mo ipapakita na ipinagmamalaki mo ang ating Wikang Pambansa? Ikaw, ang
iyong sarili ang makaksagot niyan. Sa sanaysay na ito, masasabi kong ito ay may
malaking punto sa kanyang nais ipabatid sa kanyang mambabasa. Tunay nga naman
na mayroong malaking ambag ang wika sa atin kahit pa noon, sa kasalukuyan,
lalong-lalo na sa hinaharap. Taas noo natin itong ipagmalaki sa lahat gamit ang
paggamit sa sariling wika. Filipino ay sa mga Pilipino!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)